Watch! Vlogger na Sina Whamos at Antonette Gail, Umamin sa Kanilang "Scripted Vlog"



Nagsimulang sumikat ang vlogger at komedyanteng si Whamos sa Idol Philippines nang siya ay mag-audition sa patimpalak na ito. Madalas nating napapanood ang kanyang mga videos na sumasayaw at nagbibigay ng aliw sa mga viewers. Nakakasama din niya sa kanyang mga vlogs ang kanyang girlfriend at live-in partner na si Antonette Gail.



Sa isang episode na kanilang vlog kung saan mapapanood ang pagsurpresa ni Antonette Gail sa kanyang boyfriend na si Whamos. Niregaluhan niya ito ng mamahaling sapatos upang ipkait ang kanyang pagmamahal sa kasintahan.

Ngunit, maraming kumalat na larawan sa social media na nagpapahiwatig na walang katotohanan ang pagsurpresa ni Antonette kay Whamos. Sa katunayan ay magkasama umano silang bumili ng mamahaling sapatos.




Inamin naman ng dalawa ang "scripted vlog" na ginawa nila. Nilinaw din nila na 'yun lamang ang kanilang 'scripted vlog' at ang iba ay totoo.



Nabanggit din nilang nagawa lamang nila iyon para gawing inspirasyon si Antonette ng iba pang mga kababaihan na hindi lamang ang mga babae ang dapat na sinusurpresa at nireregaluhan bagkus ay dapat ang mga lalaki rin ay binubuhusan ng efforts ng mga babae.

Narito ang kabuuang video:


No comments