Watch! Vice Ganda, Ipinag-Shopping Ang Dalawang Babaeng Nadaanan Niya!



Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host, komedyante at isa ring vlogger. Sa kanyang latest vlog ay nais niyang ipag-shopping ang sinumang taong makakasalubog niya sa daan. Dalawang maswerteng babae ang kanyang nadaanan at sila ang napili ni Vice Ganda na ipag-shopping sa isang mall. Ipinamili ni Vice Ganda ang dalawa ng mga gamit katulad ng bag, damit, sapatos at maging mga laruan para sa kaanak nilang mga bata.



Ani ni Vice Ganda, kaya niya napili ang dalawang working class ay dahil malamang sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa ay marami sa kanila ang nawalan na ng oras para sa kanilang mga sarili dahil sa pagtatrabaho at pagkayod para sa kani-kanilang pamilya.

Labis naman ang saya ng dalawang babae na magkasama rin sa trabaho. Naglalakad ang dalawang babae na sina Jewel at Juvy.




Malaya silang nakapili ng mga bagay na gusto nila kahit pa ang mga bagay na mamahalin at branded. Bukod kina Jewel at Juvy ay ipinamili din ni Vice Ganda ang iba pa nilang kaanak.



Lubos na pinasalamatan nina Jewel at Juvy si Vice Ganda dahil sa biglaang pa-shopping nito para sa kanila. Narito ang kabuuang video na ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang youtube channel:


No comments