Watch! Toni Fowler, Proud na Ibinahagi ang Resulta ng Kanyang Bagong Retoke sa Mata!



Masayang ibinahagi ng Youtuber na si Toni Fowler ang bagong itsura ng kanyang mga mata matapos ang ginawang ret0ke sa kanya. Sa latest vlog ni Toni ay sinabi niyang matagal na niyang gutso ang magkaroon ng "Fox Eyes". Kaya naman, masayang masaya siya nang ma-achieve niya ang kanyang kagustuhan. Bukod sa kanyang mata ay pinadagdagan din niya ang kapal ng kanyang labi.



Mapapanood sa kanyang vlog ang proseso kung paano magkaroon ng "Fox Eyes". May ilan sa kanyang mga supporters ang tila hindi nagustuhan ang ginawang pagpaparetoke muli ni Toni dahil maganda na umano ito kahit hindi siya nag-paayos.

Suportado naman ni Tyronia ang kanyang Mommy sa pagpaparetoke dahil masaya naman ang kanyang ina sa ginagawa nito.




Ngunit tila nagulat si Marie sa pagpaparetoke muli ng kanyang kapatid. Tinanong nito kung bakit niya ito ginawa.

Hiling naman ni Toni sa mga viewers na sana ay maging masaya na lang sila dahil siya ay sobrang saya sa kinalabasan ng kanyang pagpaparetoke.



Nagbigay din ng detalye si Toni para sa mga nais din na magpagawa ng mata katulad ng kanyang "Fox Eyes".

Narito ang kabuuang video:


No comments