Watch! Bride na Ayaw Magpahalik, Viral Ngayon!



Mabilis na nag-viral ang video ng bride na tila tinatanggihan ang halik ng kanyang groom sa oras ng seremonya kahit na sinabi na ng pari ang 'You may now kiss the bride' na pangkaraniwang naririnig natin sa kasal. Naging palaisipan sa mga netizens kung bakit ayaw magpahalik ng bride sa kanyang groom na kung iisipin ay ito ang pinakahinihintay na eksena sa araw ng kasalan.




Ito ay naganap sa isang simbahan sa Davao Del Norte. Si Victor ang groom habang ang bride ay si Wena. Mapapanood sa video na tila ayaw magpahalik ni Wena kay Victor. Ang mga guests o ang mga taong naroroon sa kasal ay tia humihiling na mag-kiss na sila.

Hanggang matapos ang seremonya ay hindi pa rin nagpahalik si Wena. Sa photo shoot na lamang naka-nåkaw ng halik si Victor sa kanyang bride.





Ayon sa ulat, mahiyain umano si Wena kaya hindi ito nagpahalik nang sabihin na ang "You may no kiss the bride".

Tunay na nagmamahalan sina Wena at Victor. Sa katunayan, nagpahalik si Wena sa kanilang wedding reception. Sadya umanong mahiyain itong si Wena.



Marami naman ang nagsabi na tila nag-iinartë lamang itong si Wena ngunit marami naman ang nagtatanggol dito at ang mga taong nakakakilala kina Wena ay saksi sa tunay na pagmamahalan ng dalawa.


No comments