Vice Ganda at Ion Perez, Ikinasal na sa Las Vegas!



Usap-usapan ngayon sa social media ang latest vlog ni Vice Ganda na may pamagat na "What Really Happened in Las Vegas". No.1 Trending ngayon sa youtube ang vlog ni Vice Ganda kung saan mayroon ng humigit 2 million views. Mapapanood dito ang pag-iisang dibdib ni Vice Ganda at ang kanyang boyfriend at live in partner na si Ion Perez.



Matatandaan na magkatrabaho ang dalawa sa noontime show na "It's Showtime". Ilang taon na ring nagsasama ang dalawa sa iisang bahay.

Sa vlog na ito ay ibinahagi nina Vice Ganda at Ion ang moments na nangyari sa kanila sa Las Vegas. Sa Little Vegas Chapel naganap ang kanilang pag-iisang dibdib. Oktubre 19, 2021 pa umano sila nagpakasal ngunit ngayon lamang nila isinapubliko.




Marami naman ang nagbigay ng kanilang pagbati kabilang na ang kanilang pamilya, kaibigan, mga mahal sa buhay at mga fans.

Ang kanilang kasal ay simple at walang halos na tao. Tila silang dalawa lamang ang nagmamay-ari ng moment na iyon. Makikïta sa kanilang dalawa kung gaano sila kasaya.



Narito ag kabuuang video na ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang Youtube Channel:


No comments