Tatlong Magpipinsan, Ipininta Ang Mukha ng Kanilang Lolo at Lola!



Kanya-kanya tayo ng talento at bawat isa sa atin ay espesyal. May ilan sa atin na hindi pa nadidiskubre ang kanilang talento at may iba naman na nailalabas na ang kanilang talento at napapakita na sa ibang tao. Katulad na lamang ng tatlong magpipinsan na ito. Sila ay talentado pag dating sa pag pinta at pag likha ng magagandang obra.



Isa sa kanilang maganda naipinta ay ang mukha ng kanilang Lolo at Lola. Proud nilang ibinida ang obrang nilikha nila dahil alay nila ito sa kanilang Lolo at Lola.


Sila ay kinilalang Trio Hyperialism Artists mula pa sa Roxas City, Capiz. Ang magpipinsan na ito ay sina sina John Cyril Dojaylo, Romuel Dojaylo at Romeo Dojaylo. Kapwa bata pa ang magpipinsan na ito kaya naman nakakamangha ang kanilang talento dahil sa kabila ng kanilang murĂ¥ng edad ay napapakita na nila ang husay nila sa pagpinta.





Si John Cyril, 19-anyos habang si Romuel ay 13-anyos at si Romeo naman ay 11-anyos. Marami naman ang napahanga sa kanilang obra.

No comments