Security Guard sa Jollibee, Tinulungang Makakain Ang Isang PWD!



Hinangaan ng marami ang isang security guard matapos itong magmalasåkit sa isang PWD. Kinilala ang sekyu na si SG John Bernard Serdinio na nakadestino sa Jollibee sa Lopez, Quezon. Ang video at larawan ng sekyu ay inupload ni Lyan Barreno sa kanyang facebook account. Makïkita kung paano subuan ng sekyu ang PWD dahil hindi ito makakain mag-isa.




Ayon sa manager ni SG Serdinio, dati na umano nilang customer ang PWD. Kasa-kasama niya parati ang kanyang Lola ngunit ng mga oras na iyon ay mag-isa lang siya.

dahil dito ay inasikaso ng sekyu ang PWD mula sa pag-order ng pagkain hanggang sa lamesa at pati ang pag-subo ay tinulungan na rin niya.

"Nung time na 'yun, wala 'yung lola niya kaya in-assist na niya sa pag-order at sa pagkain," kuwento ng manager.





"Naawa siya dahil nga sa kapansanan nito, alam niyang 'di makakain ng maayos kaya naisip niya subuan para makakain," dagdag pa nito.

Mapapansin na tila komportable naman ang PWD sa sekyu dahil maayos naman siyang nasusubuan nito. Wala namang kaalam-alam si SG. Serdinio na nakuhanan na pala siya ng video at picture.

Narito ang kabuuang post:


No comments