OFW sa Dubai, Surpresang Binigyan ng Brand New Car Dahil sa Angking Kasipagan



Isa sa katangiang maipagmamalaki ng mga Pinoy ay ang kasipagan at dedikasyon sa trabaho. Katulad na lamang ng isang Pinoy OFW sa Dubai na si Jeric. Sinurpresa siya ng isa sa mga sikat na vlogger sa buong mundo na si Super Blondie. Kilala si Super Blondie sa pagiging maalam sa mga sasakyan partikular na sa mga sports car. Sa isang vlog ni Super Blondie ay naghanap siya ng mga taong bibigyan niya ng sasakyan.




Isa sa mga maswerteng nabiyayaan ng brand new car si Jeric. Walang kaide-ideya si Jeric na mismo ang ama niya ang nagnomina na mabigyan siya ng sasakyan mula kay Super Blondie.

"Look, I got surprise for you today," ani ni Super Blondie.

"He's not only one of my office assistants; he's one of my main team members. He joined us three years back. He came from the Philippines with empty pockets," pagmamalaki ni Abir, amo ni Jeric.





"With the help of his brother in läw and his sister, they helped him secure a job here at One Business Centre," dagdag pa nito.

"Jeric you are such a deserving person of what's just about to happen. I want you to turn around, this is yours," ani ni Super Blondie habang itinuturo ang surpresa niyang brand new Hyundai Elantra.




Hindi naman napigilang bumuhos ang luhå ni Jeric sa magandang nangyari sa kanya. Agad din niyang ibinalita sa kanyang ina magandang pangyayaring ito.

"This is for my mom. I’m crying this morning because I messaged my mom. I know she's lonely. She's in the Philippines. Then that’s why this is for her. It's a big help, a blessing in disguise."

No comments