Kuya Wil, Naging Emosyonal sa Huling Episode ng Wowowin sa GMA!



Isang sikat na host si Willie Revillame o kung tawagin ay "Kuya Wil". Isa rin siyang aktor at komedyante. Maraming napasaya si Kuya Wil simula pa noong una niyang TV shows hanggang sa lumipat na siya ng iba't ibang network at ngayon ay namaalam na siya sa kanyang show na Wowowin: Tutok-to-Win.

Sa kanyang show ay marami siyang natulungang mga tao. Namimigay siya ng papremyo at tulong lalo na sa mga taong nangangailangan.



Marami ang sumusuporta sa kanya dahil sa kabutihang taglay nito at sa pagiging matulungin. Bukod sa kanyang shows ay tumutulong din siya sa mga kababayan nating nasalånta ng mga kalamidåd. Ibinibigay ni Kuya Wil ang lahat ng kanyang kayang ibigay.

Sa huling episode ng kanyang show ay hindi napigilan ni Kuya Wil ang kanyang emosyon. mangiyak-ngiyak niyang pinasalamat ang mga taong kabilang sa kanyang programa.




Pinasalamatan din niya ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya. Kahit hindi na-renew ang kanyang kontrata ay labis pa rin ang pasasalamat ni Kuya Wil sa GMA Network sa ilang taon niyang pagtatrabaho dito.

Sinabi naman ni Kuya Wil na itutuloy pa rin niya ang kanyang programa ngunit hindi na ipapalabas sa telebisyon bagkus ay sa facebook live at youtube na lamang.


No comments