Kilalanin si Rita Gaviola o Mas Kilala Bilang "Badjao Girl"



Una nating nakilala si Rita Gaviola sa Pinoy Big Brother: Lucky 7. Hinangaan siya ng marami dahil sa angkin nitong natural na ganda. Nag-viral ang kanyang larawan nang kuhanan siya ng litrato ng isang photographer sa Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon. Nakuha niya ang atensyon ng marami at dito na siya tinawag na "Badjao Girl".



Pinakabatang housemate noon si Rita kaya kadalasan ay sensitibo siya sa mga bagay-bagay. Ngunit sensitibo man, nakilala rin si Rita bilang mapagmahal at maalaga sa kanyang mga co-housemates.

Kamakailan lamang nang lumabas siyang muli sa telebisyon. Sumali siya sa isang beauty pageant ng noontime show na It's Showtime. Nagwagi si Rita bilang daily winner sa Sëxy Babe ngunit hindi na siya pinalad maging isang weekly winner.





Gayunpaman, masaya si Rita dahil matagala na niyang gustong sumali sa mga beauty contest. Sa kabutihang palad ay nagkaroon siya ng pagkakataon na sumali sa Sëxy Babe. Dito siya magsisimulang hasain ang kanyang galing pag dating sa naturang patimpalak.

No comments