Isang Masayang Kasal Sana, Nauwi sa Malungkot na Lamay!



Isa sa pinaka masayang araw sa mga kababaihan ang maikasal sa lalaking minamahal nila. Ngunit tila kabaliktaran ang nanyari sa magkasintahang Francis at Alma. Binawïan ng buhay si Francis Valenton. Ito ang naging dahilan ng pagkadur0g ng puso ni Alma. Bagamat wala na ang kanyang nobyo ay inilabas at ipinakita pa rin niya ang pagmamahal dito.



Matagal na umanong plano nina Alma at Francis ang pagpapakasal. Maging ang mga kaanak ni Francis ay napag-uusapan na ang kasal ng dalawa.

Kaya naman, talagang nanghinayang ang lahat ng kaanak at kapamilya ng dalawa ng bawiån ng buhay itong si Francis.

"May mga ganun siyang salita na, inopen niya yung about sa kasal na."

Dahil labis ang kalungkutan na nararamdaman ni Alma ay naisipan siyang isurpresa ng ate ni Francis.

Tinanong siya nito kung gusto niya bang magsuot ng wedding gown sa huling lamay ni Francis. Ang buong pag-aakala ni Alma ay simpleng wedding dress lamang ang ipapasuot nito sa kanya.





Walang pag-aatubinling isunot ni Alma ang kanya sanang wedding dress sa huling lamay ng nobyo.

"Baby, sabi niya, kung tayo man 'yung ikakasal, ang gusto ko lang yung simple kahit hindi bongga. Basta masabi ko lang din na akin ka. Tapos wala, wala na 'kong ibang ipapalit sa'yo like, ikaw lang 'yung gusto ko," ani ni Alma habang kinakausap ang nobyo.



Talaga namang nakakapanghinayang ang nangyari kay Alma at Francis. Ngunit, sabi nga nila, kapag oras mo na, ay oras mo na talaga.

No comments