Dionesia Pacquiao, Nag-alala na Baka Maubos Ang Pera Ng Anak sa Pangangampanya sa Pagka-Pangulo!



Si Dionesia Pacquiao o mas kilala bilang Mommy D ay ina ni Senador at Aspirant President Manny Pacquiao. Sa pangangampanya ni Sen. Pacquiao bilang Pangulo ng Pilipinas ay hindi napigilan ni Mommy D na mag-alala na baka maubos ang pera ng kanyang anak.

Ikinuwento ni Mommy D sa proclamation rally ni Sen. Pacquiao na malaki umano ang naubos na pera ng kanyang anak noong tumakbo ito sa eleksyon 2007 kung saan natalo siya sa kanyang katunggali na si Darlene Antonio-Custodio.




"Noong tumatakbo pa siya noong unang beses dito sa General Santos, umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala," ani ni Mommy D.

"Sabi pa ng mga amiga ko, 'Mommy, ang anak mo bigay ng bigay ng pera, baka maubos ang kwarta!'" pabirong dagdag pa ng ina ni Sen. Pacquiao.

Hindi naman napigilan ni Sen. Pacquiao na mapatakip ng mukha habang natatawa sa sinabi ng kanyang ina.





Matatandaan na kilala si Sen. Pacquiao na maraming pera dahil sa dami ng napanål nitong labån sa larawangan ng boxing.

Mariing itinanggi naman ni Sne. Pacquiao na ang pagbibigay niya ng pera ay hindi parte ng kanyang pangangamanya. Sadya lamang umano na mapagbigay siya at tumutulong siya sa mga tao.

No comments