Babae, Binisita ang Partner sa Kulungan Para Mag-aya ng Kasal!


Walang distansya o panahon ang makakapagsabi kung hanggang saan o hanggang kailan magtatagal ang pagmamahalan. Para sa mga taong tunay pagdating sa pag-ibig, kahit pa magkalayo ang kanilang agwat, ay hindi sila mapaghihiwalay. Ito ang pinatunayan ng isang babae na may partner na inmate sa Balamban Municipal Jail.




Sa isang post ng Kami ay ibinahagi nila ang ilan sa mga larawan ng babae habang hawak niya ang kanyang singsing at tila inaaya ng kasal ang partner na nasa loob ng kulungan.

Katulong ng future bride ang ilan sa mga inmates sa pag-aalok nito ng kasal. Hindi naman nabigo ang future bride dahil pumayag din ang kanyang future groom.

Umani ng positibong komento ang naturang post. narito ang ilan sa mga komento:




"Ang tapÄng ni girl and truly love nya tlga si guy kahit ganyan ang sitwasyon. Love is blind tlga.

"Unconditional love, sure ako pag labas ng lalake mag babago ng tunay yan"

"Maiinggit na ba ako neto, sino pang maylakas na babae ang mag proposed sa silda, nakaka antig ng damdamin."

"Ito yung proof na love knows no boundaries"



Narito ang kabuuang post ng Kami:

"Will you marry me

Isang bumisitang babae ang nag propose ng kasal sa isang inmate sa Balamban Municipal Jail. Hindi naman nabigo ang future bride dahil nag Yes ang kanyang future groom.

Happy Proposal Day"


No comments