6 na Babaeng Magkakapatid, Pare-parehong Nakapagtapos Bilang Pulis sa Tulong ng mga Magulang!



Sabi nga nila, ang tagumpay ng mga anak ay siyang tagumpay rin ng mga magulang. Kaya naman, ginagawa ng mga magulang ang lahat ng kanilang makakaya upang mapalaki ng maayos at mapag-tapos nila ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Katulad na lamang ng mag-asawa sa Pajo, Zarraga, Iloilo na mayroong anim na babaeng anak na pare-parehong nakapagtapos bilang mga Pulis.



Napagtapos ng mag-asawang Guelos ang anim nilang mga anak sa pamamagitan ng pagtatrabaho gaya na lamang ng pagsasaka at pagko-construction. Siyam lahat ng anak ng mag-asawang Guelos at anim ang mga babae habang tatlo ang anak nilang lalaki.

Ang siyam na anak ng mag-asawang Guelos ay nakapagtapos ng bachelor's degree. Narito ang kabuuang post ng Energy FM 107.7 Kalibo noong Mayo 8.






"LOOK: Parehong naging pulis ang 6 na anak na babae ng mag-asawang Guelos na taga Pajo, Zarraga, Iloilo.

Napagtapos ng mag asawa ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga trabaho kagaya construction at pagsasaka.

Ang mag-asawang Guelos ay may 9 na mga anak kung saan 3 dito ang lalaki at 6 naman ang babae na ngayon ay mga pulis na.



Ngayong mothers day, napag-desisyonan ng magkapatid na magkaroon ng photoshoot bilang regalo sa kanilang pinakakamahal na ina o sa kanilang mga magulang.

Ang 9 na mga anak ng mag asawa ay parehong nakpagtapos ng bachelor's degree.

via: Jay-ar M. Arante, Energy FM Kalibo
Photos Courtesy of Anthony Jimoga-on Photogaphy"

No comments