2 Pulis, Sugåtan Matapos Mag-Crash Ang Sinasakyang Helicopter!



Isang helicopter ang nag-crash sa probinsya ng Quezon ngayong Lunes, Pebrero 21. Dalawang pulis ang naiulat na sugåtan sa nag-crash na PNP Airbus H125 helicopter RP-9710. Sila ay sina Police Lieutenant Colonels Michael Melloria at Dexter Vitug. Naisug0d naman agad ang dalawang sugåtang pulis sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta, Quezon ayon sa Real Municipal Police Station.




Habang pinaghahanap pa ang isang Pulis na si Police Patrolman Allen Noel Ona. Kasama rin umano si Ona sa nag-crash na helicopter ngunit wala pang impormasyon sa kanyang kalagayan.

Sa inisyal na report ay ang mga pulis na nasa PNP Airbus H125 helicopter RP-9710 ay lumipad paalis ng Manila Domestic Airport kaninang 6:17 ng umaga upang sunduin sana si PNP chief Police General Dionardo Carlos.





Ngunit 8:15 ng umaga nang makatanggap ng report ang Real MPS galing sa PNP Air Unit tungkol sa pag-crash ng helicopter sa Purok Mayaog, Barangay Pandan, Real, Quezon Province.

No comments