Watch! Sangkaterbang Isda sa Antique, Viral Ngayon Dahil sa Pagtalon Nito sa Mga Bangka!



Viral ngayon ang isang video kung saan mapapanood ang tila pag-ulan ng isda sa Barangay Malabor, Tibiao, Antique nitong Biyernes. Sa video na ibinahagi ni Flord Nicson Calawag ay makikïta ang sangkaterbang isda na tila nagtatalunan sa balsa habang hinihila ang lambat sa lambaklad na isa sa pinaka malaking fishing trap na ginagamit sa kanilang lugar.




Ayon sa ulat, ang Antique ay parte ng Cuyo East Passage, isang tuna highway at migratory route ng mga isda, ayon kay Calawag.

Ayon naman sa mga mangingisda roon, posible umanong hinahabol ang mga isdang ito ng malalaking isada kaya sila napadpad sa balsa at mga bangka roon.




Ang mga tao roon ay nakakuha ng apat na banyerang tamban, matabangka, barracuda, at tangigue ang mga mangingisda.

Narito ang kabuuang video na ibinahagi ng ABS-CBN News:

No comments