Watch! Babae, Umiyak Mag-isang Sinalubong ang Bagong Taon!



Napakasayang salubungin ang Bagong Taon kasama ang ating mga mahal sa buhay. Masayang naghihintay ng pagpalit ng taon habang salu-salong kumakain sa lamesa, nagkakantahan at nagsasayawan. Ngunit, ilan sa atin ay hindi masaya ang salubong ng Bagong Taon dahil mag-isa lang sa bahay katulad na lamang ng isang babae na ito.




Siya si Wendy. Nag-viral siya sa Tiktok ng ibahagi niya ang kanyang video kung paano niya sinalubong ang Bagong Taon. Marami siyang nilutong handa at umorder din siya ng iba pang pagkain. Naglagay din siya ng lobo at mga disenyo ngunit hindi masaya ang kanyang naging New Year's Eve dahil mag-isa lamang siya.

Kung noon ay magkakasama sila ng kanyang pamilya, ngayong taon ay mag-isa na lamang siya. Marami pa naman sana siyang hinandang pagkain ngunit siya na lang ang kakain ng lahat ng iyon dahil wala siyang kasamang kumain.




Napagtanto niya na hindi mahalaga kung ano ang laman ng lamesa dahil mas mahalaga ang sama-samang pamilya.




"Dati, sabay-sabay kaming nagse-celebrate ng Bagong Taon. Sama-sama kaming kumakain. Kumpleto kaming pamilya. Pero nitong nagdaang New Year, ako na lang mag-isa. Ang dami kong hinanda pero wala akong kasama. Na-realize ko na hindi talaga importante kung anong handa ang mayroon ka sa mesa. Mas importante ‘yung buo kayo, yung magkasalo-salo kayo sa hapagkainan."


No comments