Uwak, Kulay Puti!



May mga bagay na talaga namang nakakamangha at pambihira na madalang lang natin makikïta. Isang ibon naman ang hinangaan ng marami. Nakakita ka na ba ng puting uwak? Kadalasan, ang kulay ng uwak ay itim. Sabi nga ng marami, "kapag pumuti na ang uwak." Madalas tayong nagbibitaw ng salita na imposible at karugton nito ang kasabihang kapag pumuti na ang uwak.




Ginawa namang katatawanan ng mga netizens ang pambihirang kulay ng uwak na ito. Eto yung literal na sinasabi ng mga tao KAPAG PUMUTI NA ANG UWAK," komento ni Ivan Anstacio.

"Hindi na tuloy pwede idahilan yung kapag pumuti na ang uwak naku, kung ako sainyo mag-isip nalang ulit kayo ng ibang kulay," ani ni Dave Villanueva.

"Di na talagang malabong mangyari usong uso na po ang collagen at gluta, siguro nag take ung uwak para pumuti. Dba nga kasi dito satin kunti lang taong nakaka appreciate ng maitim kaya nag glow up challenge din ung uwak," pagbibiro naman ni Wilson HIjiri II.





Narito naman ang pahayag ni Janesa sa programang Kapus0 Mo Jessica Soho:

"Di ba po kadalasan ang uwak dito sa atin, itim? Kaya na-shock ako nu’ng may nakita akong puti na uwak sa kapitbahay namin! Uwak talaga siya! ‘Yung huni niya, pang-uwak talaga! Mayroon talagang uwak na puti!"


No comments