Rabiya Mateo, Nais Mahanap si Lolo Narding na Pinakulong Dahil sa Pagnanåkaw ng Mangga!



Mabilis na kumalat online ang isang Lolo na pinakul0ng umano dahil sa pagnanåkaw ng mangga. Siya si Lolo Narding Floro, 80-anyos mula Pangasinan. Ayon sa ulat, nagnåkaw umano si Lolo Narding ng 10 kilo ng Mangga at inarest0 nitong Enero 13, 2022 dala ang warrant na inissue noong Desyembre 20, 2021.




Nais sanang bayaran na lang ni Lolo Narding ang manggang pinitas niya ngunit pinagbabayad umano siya ng P6,000. Ang puno umano ng mangga ay siya mismo ang nagtanim ngunit ang kinatitirikan mismo ng puno ay nasasakupan ng bakuran ng iba.

"Pinapitas ko yung isang puno ng manga wala pang sampung kilo, ang alam ko sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman yun," ani ni Lolo Narding.





Marami naman ang tumulong kay Lolo Narding at naawå dahil sa kabila ng edad niya ay nagawa pa siyang ipakulong dahil lamang sa pagpitas ng mangga na siya mismo ang nagtanim.

Isa na ang beauty queen na si Rabiya Mateo na nais mahanap at mabigyan ng tulong si Lolo Narding. Sa kanyang facebook post ay tinatanong niya kung sino ang may contact kay Lolo Narding.



"Can someone bridge me to Lolo? Finding ways to contact him," caption ni Rabiya sa kanyang facebook post.


No comments