Lola na Kulang ang Perang Pambili ng Gamot, Tinulungan ng Isang Netizen!



Marami ang humanga sa isang netizen matapos niyang tulungan ang isang matanda na kapos sa pera at walang kakayahang mabili ang mga gam0t na kinakailangan niya. Mula sa uploader na si Mandy Viray, ay nasaksihan umano niya ang isang lalaki na nagmagandang loob sa isang matanda na bumubili noon sa isang Pharmacy.




Narinig umano niya ang matanda na bumibili ng gamot noon ngunit kulang ang kanyang pera kaya sinabi nito sa isang Pharmacist na kung maaari ay tag-iisang piraso na lang ang kanyang bibilhin.

"Nilabas niya ang supot puno ng barya. [Tapos sabi niya] pwede ba makabili kahit tig iisang piraso ng nasa reseta? P200 lang pera ko pasensya na," kuwento ni Mandy base sa kanyang marinig na sinabi ng matanda.

Laking gulat na lamang niya na may isang lalaki ang tumulong sa matanda at sinabing siya na ang magbabayad ng kakulangan ni Lola.





"Biglang nagsalita yung lalaki sa tabi niya. Sabi ni kuya sa pharmacist, 'Miss, sagot ko na yung kulang, bigay mo yung lahat ng nasa reseta ni nanay."

"Nay di sakin galing yan, sa Diyos yan galing. Sa Diyos po tayo magpasalamat," ani ng netizen sa matanda.

"At this time of pand3mic, we can all be God's instrument in letting other people know that despite the hardships, He provides. Hindi kailangan maging mayaman para gumawa ng mabuti — kahit simpleng pagtulong sa kapwa gaya ng pagbibigay ng pagkain sa nagugutom, pagdamay sa mga napipighati, pagtulong sa nangangailangan at iba pa," sambit naman ni Mandy.

No comments