GMA, Umalma sa Dahilan ng Kampo ni BBM Hindi Pagpunta Nito sa Interview ni Jessica Soho



Talagang nalalapit na ang Eleksyon 2022 at kanya-kanyang partido na ang gumagawa ng hakbang para manalo sa Halalan. Sa naging one-on-one interview ni Jessica Soho, reporter at host ng GMA Network, ay nakapanayam niya ang apat sa mga Presidential aspirants na sina Sen. Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno, Sen. Ping Lacson at VP Leni Robredo.




Tinanong ni Jessica Soho ang apat na kandidato sa kanilang mga kinakaharap na kontrobersal na isyu na ibinabato sa kanila.

Sinagot naman ng mga kandidato ang bawat katanungan na ibinato sa kanila ni Jessica Soho. Ngunit, ang number 1 sa presidential rating na si former Sen. Bongbong Marcos ay hindi nagpunta sa naging interview ni Jessica Soho.





Ayon sa kampo ni BBM, 'biased' umano si Jessica Soho kaya't hindi siya nagtungo. Dinepensahan naman ng GMA Network ang sinasabi tungkol sa premyadong journalist na si Jessica Soho.



Pinaniniwalaan ng GMa Netwok na sila ay "Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan at serbisyong totoo lamang" tulad ng madalas nating maririnig sa mga pinapalabas nilang balita. Kanya-kanya naman ang mga netizens sa kanilang paniniwala, mayroong pumapanig sa GMA Network at mayroon ding sumusuporta kay BBM.


No comments