Watch! Ivana Alawi, Niregaluhan na Mamahaling Alahas ang Kanyang Personal Assistant!




Umabot na sa 2.1 million views ang vlog ni Ivana Alawi na may pamagat na 'Happy Birthday Amira and KC!'. Sa videong ito ay mapapanood kung paano ipinagdiwang ng pamilya Alawi ang kaarawan ng ate ni Ivana na si Amira at ang Personal Assistant o PA ni Ivana na si KC. Sama-sama silang kumain sa isang mamahaling hotel.




Nagbigay ng bulaklak si Ivana sa dalawang birthday celebrant at ani ni KC ay unang beses niyang nakatnggap ng bulaklak at ito pa ay galing sa kanyang amo na si Ivana. Talaga namang napakabuti ni Ivana lalo na sa mga taong espesyal para sa kanya.

Hindi lamang bulaklak ang surpresa ni Ivana para sa dalawang birthday celebrant dahil nagbigay din siya ng mamahaling alahas na nabuli niya sa LVNA by Drake Dustin. Matatandaan na dito rin binili ni Ivana ang singsing na niregalo niya sa kanyang sarili noong kanyang kaarawan.





Labis naman ang tuwa ni KC nang matanggap ang hikaw na niregalo sa kanya ni Ivana. "Wow! Butterfly!" masayang pahayag ni KC nang makita ang disenyo ng hikaw na agad naman niyang isinuot. Binigyan rin umano si KC ng sapatos ng ina nila Ivana. Katulad ni KC ay masaya rin si Amira sa kanyang mga natanggap na surpresa at regalo mula kay Ivana.




Mayroon ng 14.4 million subscribers ang Youtube channel ni Ivana Alawi. Umusbong ang kanyang career nang pasukin niya ang mundo ng pagba-vlog. Narito ang kabuuang video:


No comments