Watch | "It's a Yes!" Sandok-Pera Challenge, Nauwi sa Sandok-Asawa!



Viral ngayon ang isang palaro na kung tawagin ay Sandok-Pera Challenge kung saan kailangan mong kunin ang pera sa pamamagitan lamang ng sandok at kailangan ay nakapiring ang mga mata. Patok na patok ito lalo na ngayong nagdaang Pasko. Iba't ibang pakulo naman ang mga Pinoy at may isa pa na nagpropose sa pamamagitan ng Sandok-Pera Challenge.




Plano umano ni Dan na mag-propse sa kanyang girlfriend. Napag-isipan nila na lagyan ito ng twist at ito nga ang Sandok-Pera Challenge. Tamang-tama ito dahil nakapiring ang mga mata ni Rachel at siguradong magugulat at masusurpresa siya.

Suot ni Dan ang 'Will you marry me?' T-shirt na may dalawang pagpipilian- Yes at No. Walang pag-aalinlangan na sinagot ni Rachel si Dan ng 'Yes' at pumirma pa ito sa T-shirt na suot ni Dan.




"Few weeks ago, kinontak ako ni Dan Rivera asking for help sa pagpili ng singsing. Sabi niya gusto niya magpropose kay Chel on Christmas Eve. Nag-isip kami ng way na masusurprise siya, then nauso ’yung Sandok-Pera Challenge, so naisip namin na perfect ’yun dahil naka-blindfold," ani ni Kristine, kapatid ni Rachel.




Pebrero o Marso sa darating na taon ang planong petsa nina Dan at Rachel. Natuwa sa sobrang saya ang dalawa. Narito ang video:


No comments