Watch! Angel Locsin, Nagbigay ng P2 Million Para sa Mga Nasalanta ng Bagyong Odette!



Kilalang isang sikat na aktres si Angel Locsin na tinaguriang real-life 'Darna' dahil sa pagiging matulungin sa marami kababayan nating Pilipino. Sa katunayan ay nagbigay umano siya ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Odette. Marami sa kanila ang nakakaranas ngayon ng gut0m dahil wala silang makain.




May ilan pa na nawalan ng tahanan dahil tinangay na malakas na agos ng baha at marami din ang nawalån ng mga mahal sa buhay.

Dahil dito, kaliwa't kanan na ang mga nagbibigay ng tulong sa mga nasalånta kabilang na si Angel Locsin. Ito ay matapos na ibunyag ni Kris Aquino na nag-abot umano si Angel ng P2,000,000 kay Vice President Leni Robredo para matulungan ang ating mga kababayan na nasalantå ng Bagyong Odette.





"Nagbigay po si Angel Locsin ng 2M pesos kay VP Leni para po pantulong para po sa lahat ng mga nasalantå," ani ni Kris.



Marami naman ang humanga at napabilib sa kabutihan ni Angel Locisn. Ani ng mga netizens, bagay na bagay kay Angel ang kanyang pangalan dahil mala-anghel ang kanyang kabutihan dahil bukas-palad siyang nagbibigay ng tulong sa kanyang kapwa.

No comments