Watch! 60-Anyos na Lola, Bumuhos ang Luha na Nagpaalam sa Kanyang Mga Alaga!



Karamihan sa atin ay pamilya at kaibigan na ang turing sa mga alagang aso. Katulad na lamang ng 60-anyos na Lola na si Nanay Ligaya. Nag-viral online ang kanyang video kung saan makakïta ang pag-iyak niya habang nagpapaalam sa mga alagang aso na kinuha sa kanya. Ayon kay Nanay Ligaya, natagpuan umano niya noon ang mga aso na pinangalanan niya Blackie at Brownie.




Nanginginig umano ang mga aso noon at sinimulan niya ito pakain hanggang sa inalagaan na niya at ito na ang mga naging kasa-kasama niya.

Kuwento pa ni Nanay Ligaya, pamilya na ang turing niya sa kanyang mga alaga dahil wala naman umano siya ibang kasama sa buhay. Ngunit kinuha naman sa kanya sina Brownie at Blackie na katabi niya sa pagtulog.





Wala naman daw siyang magawa noon kung hindi ang umiyak na lamang. Gusto umano niyang yakapin ang kanyang mga alaga ngunit hindi na niya ngawa dahil kinuha na ito sa kanya.



"Dito ko sila sa Plaza nakita sina Brownie at Blackie.Nanginginig 'yung mga aso kaya pinakain ko sila. Simula nun, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko silang matulog. Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila na lang. Kaso, kinuha sila. Wala naman akong magawa, umiyak na lang ako. Naaawa kasi ako sa aking mga aso. Gusto ko silang yakapin. Mahal na mahal ko kasi sila eh. Gusto ko nang makita ang aking mga aso."


No comments