Viral! Pari, Nagbigay ng Mensahe sa Kasal ng Kanyang Ex-Girlfriend at Groom Nito!



'Past is past' ito ang naging kataga ni Fr. Roniel El Haciendero sa ibinigay niyang mensahe para sa kanyang ex-girlfriend na si Korina at sa groom nito na si Manuel. Viral ngayon sa social media ang video kung saan ibinahagi ni Father Roniel ang maikli niyang mensahe sa newly wed couple at ang ilan niyang mga pabirong banat.




Sa Parish Sto. NiƱo De Lipa sa Levitown, Marawoy, Lipa City, Batangas ikinasal sina Manuel at Korina. Disyembre 13, 2021 naman nang iupload ni Fr. Roniel sa kanyang Youtube Channel ang naturang video na humakot na ng daan-daang libong views.

Bagaman ex-girlfriend ni Fr. Roniel ang bride na si Korina ay nilinaw naman nitong nakaraan na 'yung sa kanila at hiniling rin nito na magsama silang mag-asawa ng masaya.





Aminado ring kabado si Fr. Roniel habang sinasabi ang kanyang mensahe sa kanyang ex-girlfriend at kay Manuel. Hindi rin umano siya sisigaw ng itigil ang kasal at saka naman nagtawanan ang mga bisita ng newly wed couple.



Mababakas din sa mukha ng mag-asawa na masaya sila kahit pa ex-boyfriend ni Korina ang Pari na nagbigay sa kanila ng Homily. Panoorin ang kabuuang video:


No comments