Security Guard, Isinama ang Anak sa Trabaho Dahil Walang Mag-aalaga; Hinangaan Online!




Bilang isang ama ay responsibilidad niyang maibigay ang pangangailangan ng pamilya. Maihahalintulad ang ama sa haligi ng tahanan dahil ang haligi ay ang sumusuporta sa buong tahanan. Katulad ng ama ay sinusuportahan din niya ang kanyang pamilya. Isang security guard naman ang hinangaan online nang isama niya ang anak sa pinagtatrabahuhahn nito.




Maituturin na isang huwarang ama ang security guard dahil sa kabila ng kanyang paghahanapbuhay na nagawa niyang maisabay ang pag-aalaga sa anak.

Ayon kay Jeff Magno, concerned netizen na nag-post sa social media ng larawan ng mag-ama, nasaksihan umano niya ang huwarang ama na ito na habang naka-duty sa isang pawnshop ay binabantayan rin niya ang anak kasabay ng pagbabantay nito sa kanyang pinagtatabahuhan.




Saludo naman ang mga netizens sa security guard dahil hindi niya pinabayaan ang anak na maiwan sa bahay. Ayon sa sekyu, wala umanong mapag-iiwan sa kanyang anak.

Hindi rin naman naging balakid sa pagtatrabaho ng security guard ang kanyang anak dahil tahimik lamang ito sa isang tabi.

Laking pasasalamat naman ng mga netizens dahil pumayad ang pawnshop na maalagaan ni Kuya Guard ang kanyang anak kahit na ito ay naka-duty.

No comments