Rits Azul, Ikinasal kay Allan Guy sa Kanilang 'Dream Wedding' sa Palawan!



Nauna nang ikinasal ang aktres na si Ritz Azul at Allan Guy na ginanap sa Baguio City noong Nobyembre 20, 2021. Masayang ibinahagi naman ni Ritz sa kanyang instagram post ang ilan sa kanilang mga wedding pictures sa kanilang 2nd wedding na ginanap naman sa Club Paradise, Palawan. Desyembre 11, 2021 ang petsa ng kanilang 2nd wedding.




Ayon sa caption ni Ritz na inupload niya nitong Desyembre 14, "Dream wedding destination on our dream wedding date with the best suppliers and close friends. Thank you so much, everyone!"

Masaya naman ang mag-asawa na natupad na ang kanilang 'dream wedding destination' sa petsa na aniya ay kanilang dream wedding date. Beach wedding ang naging 2nd wedding nila na ginanap sa Coron, Palawan.





Labis naman ang pasasalamat ni Ritz sa mga suppliers at mga kaibigan nila na naging bahagi ng kanilang ikalawang pag-iisang dibdib. Marami naman ang nagbigay ng kanilang pagbati sa mag-asawa.




Si Ritz Azul-Guy ( na ipinanganak na Ritz Ann Riggie Villafuerte Alzul noong Enero 11, 1994), ay isang Filipina actress at television host na kilala sa kanyang trabaho bilang talent ng TV5 at kalaunan ay lumipat sa ABS-CBN sa ilalim ng Star Magic.

No comments