Paalala! Bigyan ng Atensyon ang Mga Magulang Hanggang Sila ay Nabubuhay Pa!



Isang facebook post ang nakapagpahabag sa pus0 ng marami partikular na sa mga anak na katulad ni Mark Gil España. Ayon kay Mark, galing umano siya ng eskwelehan nang bumunga sa kanya ang ama na naghihintay sa labas ng kanilang bahay. Tinanong ni Mark ang ama kung ano ang ginagawa nito sa labas ng bahay nila.




Ang sagot ng kanyang ama ay hinihintay umano siya nitong makauwi dahil namimiss na niya ang kanyang mga anak. Hindi na sila nagkikita ni Mark at ang ibang anak nito dahil laging magkasalungat ang kani-kanilang schedule.




Narito naman ang kabuuang post ni Mark:

"Pag baba ko ng jeep galing school eto agad bumungad sakin.

Ako: oh pa! ano ginagawa mo dito?

Papa: hinihintay kita. Namimis ko na kasi kayong mga anak ko. Uuwi kayo ng bahay galing school at trabaho ako naman tulog na. Gigising ako ng umaga tapos kayo naman nakaalis na.

Sobrang sarap lang sa pakiramdam na kahit tumatanda na mga magulang natin, hindi pa rin nag babago yung pag mamahal nila sa ating mga anak. Habang lumalaki tayo, sila naman tumatanda na kaya sana huwag natin hayaang mawalan tayo ng oras sa kanila para makakwentuhan at makausap sila."



No comments