Newly Wed Couple, Nakatanggap ng Bonggang Regalo Mula sa Mga Magulang ni Bride!



Sa kasal dito sa ating bansa ay karaniwan nating makikita ang pagsasabit ng mga pera sa 'prosperity dance o money dance' ng mga bagong kasal. Madalas ang mga ninang at ninong ang nagsasabit ng pera sa damit ng newly wed couple. Ang perang kanilang natatanggap ay nakakatulong sa panimula nila bilang mag-asawa. Kadalasan din ay nagsasama na ang groom at bride sa iisang bubong pagkatapos ng kanilang kasal kaya, malaking tulong para sa bagong kasal ang natatanggap nilang pera at mga kagamitan sa bahay bilang panimula ng kanilang pagsasama.




Marami naman ang napa-SANA ALL! sa newly wed couple sa Roxas City matapos makatanggap ng hindi lamang pera, dahil isinabit ng mga magulang ni Bride ang OR/CR na bagong sasakyan at deed of sale ng lupa bilang regalo para sa kanila.

Ang bride ay kinilalang si Criselle habang ang kanyang mister ay si Alvin. Ayon kay Criselle, regalo umano ang mga ito ng kanyang mga magulang para sa kanilang mag-asawa.




Higit pa sa mga surpresang kanilang natanggap ay nagpapasalamat si Criselle dahil sa suporta at pagmamahal na ipinaparamdam ng mga ito sa kanya at maging sa kanyang mister.

Ang pagmamahal ng kanyang mga magulang ay hindi umano mapapantayan ng anumang materyal na bagay. Narito ang kabuuang post ng GMA News:



No comments