Bagong Itsura ng 1,000 Peso Bill, Ipinakita na sa Publiko!



Ibinahagi na ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor Benjamin Diokno ang magiging bagong itsura ng bagong 1,000 peso bill. Dinisenyo ito ng BSP at inaprubahan naman ito ng Monetary Board at ng Office of the President. Idinagdag ni Diokno ang iba't ibang larawan tulad ng tamaraw, samapaguita at iba pa. Ipinalit niya ang mga larawan ng mga hayop at mga bulaklak sa mukha ng mga bayani.




Samantala, makikïta sa ating 1,000 peso bill na ginagamit natin ngayon sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda. Ilalabas umano ang bagong disenyo na isinapubliko ni Dikno sa Abril 2022.

Si Benjamin Diokno ay isang ekonomista na kasalukuyang nagsisilbing gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ex officio chaiman ng Anti-Money Laudering Council mula pa noong 2019. Nagsilbi si Diokno noon bilang Budget and Management sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Rodrigo Duterte mula taong 2016 hanggang 2019.



Noong Marso 4, 2019 ay itinalaga siya ni Pres. Duterte bilang ikalimang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipas.


No comments