Watch! Alex Gonzaga nagulat perang binigay na Pamasko sa kanya ni Sen. Manny Pacquiao!



Isa sa mga kilalang vlogger o Youtuber dito sa Pinas si Alex Gonzaga na isa ring artista katulad ng kanyang ate na si Toni Gonzaga. Mayroon ng 12 million subscribers ang Youtube Channel ni Alex at nasa apat na taon na niyang ginagawa ang pagyu-Youtube. Viral naman ngayon ang kanyang vlog kung saan may pamagat itong Christmas caroling by Alex Gonzaga.




Ito ay inupload sa kanyang Youtube channel nitong Desyembre 27, 2021 na umabot na sa mahigit 3 million views.

Ang vlog na ito ay labis na nagpasaya sa marami. Siya ay nangoriling sa mga kandidato na tatakbo sa pagkabise-presidente at presidente sa darating na Eleksyon 2022. Sa mga tumatakbo bilang presidente na sina VP Leni Robredo, Former Sen. Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson at Mayor Isko Moreno.




Nangaroling din si Alex sa mga kumakandidato sa pagkabise-presidente na sina Sen. Kiko Pangilinan, Doc Willie Ong, Sen. Tito Sotto, at Lito Atienza.



Matapos mangaroling sina Alex ay namili sila ng mga grocery items para ibigay sa mga pamilya na walang pang noche buena. Narito ang kabuuang video sa Youtube Channel ni Alex Gonzaga Official:



No comments