Aktres na si Heaven Peralejo, Nakatapos na sa Kolehiyo!


Masayang ibinahagi ng aktres na si Heaven Peralejo ang kanyang graduation photo sa kanyang facebook post. Hindi niya lubos akalain na makakaya niya ang hirĂ¥p na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Kaya gayun na lamang ang pasasalamat ni Heaven sa kanyang pamilya na parating nadiyan na nakasuporta at nagmamahal sa kanya.




Sa Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU) nagtapos ng kolehiyo si Heaven sa kursong Business Management.

Narito namang ang kabuuang post ng aktres:

Graduate!!! I honestly never thought magagawa ko. Although I have to admit, finishing school never really crossed my mind anymore since I'm already earning. (ANG HIR4P!! Kaway kaway sa mga nakakarelate).





However, my mom kept on reminding me (more on to the nagging side na) pasok ang litanya "Ang pag aartista pwedeng mawala anytime. Pero kung nakatapos ka pwede mong magamit ito to change career."

Sampol pa lang yan sa mga sermon ni Mom dagdagan pa ng Barangay Family (eto talaga ang nakakatakot sa lahat!!! Parang lagi kang haharap sa thesis defense). That being said, best support system talaga ang family. I'm very thankful for them, they keep me grounded.




Kaya Mom, thank you for all your sacrifices and for imparting different morals and values in me. In times of self-doubt, lagi kang nandyan to remind me of who I am, knowing my capabilities more than I do. With that, I'm forever grateful and indebted to you.

Heaven Lyan S. Peralejo
18-1-0156
Business Management
Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU)


No comments