Watch! Binatilyo, "Bahaw" Ang Ginawang Cake Para Mairaos ang Kanyang Kaarawan!




Ang 'birthday' o araw ng kapanganakan ay taon-taong ipinagdiriwang ng mga tao. Ang ilan ay naghahanda na at nagpe-prepare na bago tumuntong ang araw ng 'birthday'. Kadalasan, makikita mo sa 'birthday party' ay ang cake na may kandila sa ibabaw (kung saan hihipan ng birthday celebrant upang humiling o magwish), mayroon ding spaghetti, fried chicken at iba pang masasarap na pagkain.




Ngunit, ang ilan naman ay hindi na ito sine-celebrate dahil sa kakulangan ng budget at may ilan naman na kung ano lamang ang meron, ay yun na lang ang pagsasaluhan ng pamilya.

Katulad na lamang ng binatilyo na ito nag-viral sa social media matapos na magdaos ng kanyang kaarawan sa kakaibang paraan. Dahil sa halip na cake ay bahaw na kanin ang ginawa niyang cake at nilagyan ng kandila sa ibabaw.





Sa gilid ng bahaw ay mayroon sabaw na nagsilbing handa rin niya at pagsasaluhan ng kanyang pamilya. Simple man, ang mahalaga ay nairaos at napagdiwang nila ang kaarawan ng binatilyo. Kahit sal├ąt sa buhay, ay naging masaya pa rin ang binatilyo sa kanyang birthday.




Marami naman sa mga netizens ang naghatid sa kanya ng pagbati at masaya rin ang mga netizens para sa binatilyo dahil sa kabila ng estado nito sa buhay, ay nanatili pa rin siyang masaya at mapagpasalamat sa mga biyayang kanyang natatanggap.

Narito ang video:




No comments