VIRAL! AJ Raval, May Post Patungkol sa Pahayag ni Barbie Imperial




Viral ngayon ang post ni AJ Raval kasunod ng naging pahayag ni Barbie Imperial patungkol sa kanya. Umabot na sa 213k reacts, 17k comments at 23k shares ang naturang post ni AJ. Mapapansin ang larawang ipinost ni AJ na may nakalagay na "Stay away from my man" at "Her man" na isang meme na diumano'y patama kay Barbie.




Matatandaang diretsahang binaggit ni Barbie ang pangalan ni AJ sa pagkakaugnay nito sa kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga. Sa naging panayam naman ni Boy Abunda kay Barbie ay kinuwestiyon ni Barbie ang pananahimik ni AJ sa pagkakaugnay kay Diego. Ayon kay Barbie ay dapat nagsalita umano itong si AJ kung ayaw niyang madawit sa isyu. Nabanggit din ni Barbie na kung sakaling gusto ni AJ ang kanyang boyfriend ay hindi naman umano siya gusto nito.





Matatandaang naging usap-usapan din nang tanungin ni Xian si Diego kung bakit ito pumunta sa bahay nila AJ sa Pampanga gayong ang girlfriend nitong si Barbie ay naghihintay sa Maynila. Matatandaang may movie noon na magkatambal sina AJ at Diego.




Ang meme na ipinost ni AJ ay patungkol sa babaeng nagsasabing layuan ang kanyang boyfriend at kalakip nito ang larawan kung saan may kakaibang itsura ng lalaki.

Narito ang orihinal na post ni AJ:



No comments