Ritz Azul, Ikinasal na sa Kanyang Non-Showbiz Boyfriend!




Si Ritz Azul (ipinanganak na Ritz Ann Riggie Villafuerte Alzul noong Enero 11, 1994), ay isang Filipina actress at television host na kilala sa kanyang trabaho bilang talent ng TV5 at kalaunan ay lumipat sa ABS-CBN sa ilalim ng Star Magic. Hunyo 20, 2020 nang inasunsyo ng aktres na siya ay engaged na sa kanyang non-showbiz at first-and-last boyfriend na si Allan Guy.




Naganap ang kasal nina Ritz at Allan sa Alphaland Baguio Mountain Lodges nitong Nobyembre 20, 2021 kasama ang kanilang mahal sa buhay, pamilya at mga kaibigan.

Ang suot na wedding gown ni Ritz ay dinisenyo ng fashion designer na si Mak Tumang na talaga namang nagmistulang reyna dahil sa mga detalye ng kanyang gown. Isa naman sa mga bridesmaid ni Ritz ang aktres na si Miles Ocampo.





Matatandaan na "NBSB o No Boyfriend Since Birth" si Ritz nang pumasok siya sa industriya hanggang taong 2018 nang magsimulang silang mag-date ni Allan.





Ibinahagi naman ng aktres sa kanyang instagram post ang larawan nila ni Allan noong Hunyo 20, 2020 na siya ay engaged na kay Allan na may caption na, "This Guy's in love with me, pare. I love you too, Allan Guy."

No comments