Pinay, Biglang Tinawag ng Amo Para Bigyan ng Pera Para sa Dedikasyon Nito sa Kanyang Trabaho!




Marami sa ating mga kababayan ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa at doon naghahanapbuhay dahil wala silang ibang makuhang trabaho dito sa bansa. Bukod pa rito, ay malaki rin ang nakukuha nilang sahod sa ibang bansa kumpara dito sa Pilipinas. Kaya kahit na mahiråp at masåkit na malayo sa pamilya, ay tatanggapin nila para kumita ng pera na ipangtutustos sa mga gastusin ng naiwang pamilya sa Pilipinas.




Ngunit, may ilan sa ating mga kababayan ang nakakaranas ng hindi maganda mula sa kanilang nagiging amo sa ibang bansa at may iba naman na suwerte sa kanilang napapasukan dahil mabuti ang kanilang naging amo. Isa na lamang dito ang Pinay na bingyan ng kanyang amo ng pera bilang pasasalamat sa mga ginagawang efforts nito sa kanyang trabaho. Ito ay isang reward para sa kanya dahil sa pagiging masipag at pagiging mabuting tao nito.





Mapapansin sa video na tinawag siya ng kanyang amo at nasurpresa siya nang abutan siya nito ng $600 o may katumbas na Php30,000. Hindi naman matawaran ang saya ng Pinay sa natanggap niyang pera at sa pagpapakita ng kanyang amo ng appreciation na ginawa niya sa kanyang trabaho.




Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Kapag maayos ang trabaho mo, tiyak na masusuklian din yun ng kabutihan."

"Sana lahat ng amo ganito. At sa mga kabayan naman natin abroad, sipagan pa natin para makita ng amo natin ang ating effort"

"Mukhang mabait at masayahin din kasi yung Pinay kaya naman natuwa sa kanya yung amo niya. Sana ganito nalang lahat ang nararanasan ng mga kapwa natin Pinoy abroad."

"Nakailang yakap si ate sa tuwa sa kanyang boss. So happy po for you ate"



1 comment:

  1. kung masipag ka at mabait naman di yong pag wla ang amo puro cp for sure myroon katumbas na kabutihan dahil dami kung alam na mababait na kabayan at ang babait din ng amo pa business pa nga mg pa travel sa mga kabayan natin mas maraming mababait kay sa masama kung maayos ka mg wrk at makisama wag aastang boss ka na or pretens d pa na mayaman sila sa pinas wla tlga


    ReplyDelete