Panoorin! Rider, Binatukån ng Sundalo Dahil sa Ingay ng Motorsiklo!




May mga mamamayan tayo na tila nakakalimot na sa mga simpleng batas na ipinapatupad lalo na sa batas-trapiko. May ilang motorista na hindi nagsusuot ng helmet, may ilan na nagmamaneho ng motorsiklo kahit na walang lisensya at hindi nakarehistro ang papel, ay mayroon ding motorsiklo ang sobrang lakas ng tunog ng tambutso na hindi nararapat sa kalsada.




Viral naman ngayon ang isang video kung saan may motorista na tila sinasadyang paingayin ang tambutso na dahilan kung bakit sila pinuntahan ng dalawang sundalo. Ang nakakagulat dito ay mabilis na binåtukan ng isang sundalo ang rider.

Marami ang mag nag komento na tama lang ang ginawa ng sundalo sa rider dahil sa ingay na ginawa nito sa kalagitnaan ng traffic.





Isa sa mga mahigpit na ipinagbabawal ang maingay na tambutso na malinaw na ginawa ng rider na ito. Ayon sa mga netizens, dapat ay maleksyunan ang rider na ito upang hindi na ulitin at hindi na pamarisan pa ng iba.




Narito ang kabuuang post ng SIRBISU Channel:

"RIDER, BINATUKAN SA INGAY NG MOTOR SA KALSADA : Hindi nakatiis ang isang driver sa pag-iingay ng motorsiklong ito habang may traffic pa ang kalsada. Panoorin at ano ang masasabi ninyo?"



No comments