Jimmy Santos, Namigay ng Tulong sa Mahihiråp Bilang Selebrason ng Kanyang Kaarawan!




Kilala si Jimmy Santos bilang isa sa mga host ng noon time show na Eat Bulaga ng GMA Network. Kamakailan lamang nang magdiwang ang host ng kanyang ika-70 kaarawan. Oktubre 8 ang petsa ng kanyang kapanganakan at ito ang pinaka espesyal na araw sa kanya ngunit imbis na magparty kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya ay namahagi siya ng tulong para sa ilan nating mga kababayanan na kapos at salat sa buhay.




Kinaalawin ng maraming manonood si Jimmy dahil sa pagiging komedyante nito mula pa noong dekada 80. Likas na mabuti rin ang kalooban ni Jimmy at kilala rin siya sa pagtulong sa mga tao. Malaking tao at binansagan pang "Bonjing" si Jimmy ngunit napakalaki rin ng kanyang pus0 para tumulong sa ibang tao.

Isa sa kanyang mga nabigyan ang 15-anyos na si Margie. Kung makikita ay nakasalampak lamang ito sa sahig at humihingi ng limos sa mga tao.





 Napakapåyat rin ni Margie kaya napansin ni Jimmy na tila nabibigatan ito sa binigay niyang tulong na dahilan para bigyan pa niya ito ng pera para sa pamasahe ng bata.

Nabigyan din ng tulong ang isang ama na si Arturo na kasa-kasama ang dalawang anak sa pagtatrabaho. Si Arturo ay kumikita lamang ng Php200 kada araw na pinagtitïyagaan para may maipakain sa pamilya.




Nadaanan rin ni Jimmy ang mga kabataang naghahakot ng basura sa mga bahay-bahay kahit pa umuulan at binigyan rin niya ito tulad ng kanyang layunin sa kanyang kaarawan.

No comments