Jennilyn Mercado at Dennis Trillo, Ikinasal Na!




Kamakailan lamang ng kumalat ang balita na buntis umano itong aktres na si Jennilyn Mercado sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo. Hindi naman nila ito itinago pa at kaagad rin nilang kinumpirma ang pagdadalang-tao ni Jen. Dahil dito, nag-propose na si Dennis at inaya na si Jen na magpakasal. Hindi na nagdalawang-isip pa ang aktres at agad na pumayag.




Matatandaan na matagal nang magkarelasyon ang dalawang artista. Kaya naman, marami ang mga fans na talagang sumusuporta sa kanilang dalawa.

Nobyembre 15, 2021 ay opisyal ng mag-asawa sina Dennis at Jen. Simpleng civil wedding lamang ang kanilang kasal sa studio na pagmamay-ari ng aktres na si Kathryn Bernardo. Makikïta sa larawan na imbis na wedding gown ang suot ni Jen ay simple at eleganteng suit na tila kapareho sa kanyang groom na si Dennis.





Dumoble pa ang saya at ang biyaya nila dahil magkakaroon na rin sila ng baby. Sa isang vlog ni Jen ay ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang journey bago sila biyayaan ng baby. May mga pagsubok din silang pinagdaan bago humantong sa kasalan at bumuo ng kanilang pamilya.




Marami naman sa mga netizens ang labis na natuwa sa nangyayari sa bagong kasal na sina Den at Jen. Hiling nila na sana ay maging malusog ang ipinagbubuntis ni Jen at nawa'y magsama ang dalawa ng masaya at puno ng pagmamahalan sa isa't isa.

No comments