Isang Tindero na Kakarampot Lang Ang Kinikita, Niloko at Binayaran ng Pekeng Pera!



Mas lalo nang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ngayon ng kahiråpan. Dahil dito, may ilan sa kanila na gumagawa ng hindi maganda sa kapwa. Ang ilang paraan nila ay mangl0ko ng kapwa o manglamang sa iba. Katulad na lamang ng nangyari sa sa isang tindero ng lemon na sa kakarampot na kinita ay nagawa pang lok0hin at bayaran ng pekeng pera.




Sa Pilipinas Trending Viral Facebook Page, ibinahagi nito ang lalaki na nagtitinda ng lemon sa bangketa. Ayon sa post, ang kawawang manong ay nagtitinda ng lemon sa may Espanya, Manila nang mayroong bumili sa kaniya. Naka-kotse pa nga daw ito kaya hindi din aakalain na gagawa pala ito ng masama.

Ang mas masaklap din ay imbis na sana kumita si Kuya noong araw na iyon ay nal0ko pa siya dahil isang libo ang ipinambayad sa kaniya ng bumili ngunit ito pala ay pekeng pera.




Ayon sa post, mula pa sa Taytay, Rizal at dumayo lamang patungo sa Maynila si Kuya dahil nagbabakasali na magiging mas malaki ang kikitain niya dito. Ngunt, nakakalungkot lamang dahil siya ay nal0ko pa sa kabila ng hiråp sa paghahanap buhay ngayon lalo na at may pand3mya pang kinahaharap ang bansa.

"Grabe naman, ang mura na nga ng tinda ni tatay nakuha niyo pa lok0hin. Hayaan mu po tay mas malaki po ang mawawala sa kanila."

"May araw din yang mga taong ganun. Nabubuhay sa panlol0ko ng kapwa, may karma din yan."

"Kawawå naman ang hiråp magtinda tapos may mga tao pang walang åwa sa kapwa."

No comments