Isang Loyal Cat, Ayaw Umalis sa Ibabaw ng Ataul ng Kanyang Amo!




Isang alagang pusa ang nagpaantig sa maraming pus0 sa mga netizens matapos manatiling tapat sa kanyang tungkulin bilang isang mabalahibong kasama hanggang sa huli. Ayon sa ulat ng "24 Oras Weekend" nitong Linggo, ay nanatili lang umano ang fur baby na si Terry sa ibabaw ng kabaong ng kanyang yuma0ng amo na si JM sa kabuuan ng kanyang burol.




Ayon sa kapatid ni JM na si Marie Cloie Binos, sanay si Terry na matulog sa tabi ni JM noong nabubuhay pa lamang siya. Pumanåw ang 19-anyos noong Nobyembre 13 dahil sa pancreåtitis.

"Akala niya natutulog pa rin kaya kahit anong gawin naming pag-alis kay Terry, talagang bumabalik siya sa ibabaw ng lahat. Kahit may viewing, talagang nando'n si Terry," she said.

Bukod kay Terry, naiwan din ni JM ang 15 aso at 11 iba pang pusa. Dahil sa pagpanaw ni JM, pakiramdam ng buong pamilya niya ay nalungk0t din ang mga alaga ni JM kasama nila.




"'Yung mga hayop, talagang may pakiramdam talaga sila na nakakaintindi talaga sila na may endless love sila sa mga amo nila, na 'di rin madali sa kanila harapin yung mga pangyayari," Marie Cloie said.

Sinabi ni Marie Cloie na ang mga alagang hayop ay nagsisilbing lakas nila sa gitna ng kanilang kalungkutan. Sila rin ang tumutulong sa kanila na maalala kung paano sila minahal at inalagaan ni JM.

No comments