Isang Babae, Nanganak sa Eroplano!




Isang babae na nagngangalang Lavinia Mounga ang nanganak sa eroplano. Ngunit, tila kakaiba ito dahil hindi alam ni Lavinia na siya ay nagdadalang-tao. Si Lavinia ay nagmula sa Salt Lake City, Utah at papunta sana ng Honolulu, Hawai. Maswerte ang babae dahil mayroon siyang nakasabay na doktor at tatlong nurse na nagtulong-tulong para sa panganganak ni Lavinia.




Ang anak ni Lavinia ay pinangalanang Raymond. Ayon sa news release ng Hawaii Pacific Health, nasa 29 weeks pa lamang ang tiyan ni Lavinia ng ito ay manganak. Kinilala ang doctor na tumulong kay Lavinia na si Dr. Dale Glenn at ang tatlong nurses na sina Lani Bamfield, Amanda Beeding at Mimi Ho.

Kulang umano sa kagamitan ang eroplano para sa mga premature babies. Dahil dito, ginamit ng doctor at mga nurses ang shoelaces para putulin ang umbilical cord ng sanggol at gumamit rin sila ng microwaved bottles para magbigay ng init sa bagong silang na bata.





Naging maayos naman umano ang lagay ng mag-ina sa loob ng tatlong oras na nasa eroplano hanggang sa makarating sila sa airport.

"The emergency personnel took great care of the baby upon arriving in Hawaii," ani ni Dr. Glenn.

"The experience here has been so good. It just feels comforting and everyone's willing to help and always checking on us," saad ni Lavinia.




"Our miracle baby nephew was born 29 weeks along with 3 hours left on our flight and was such a strong trooper. Our sister did not know she was pregnant so she was just as shocked as the rest of us when our nephew was born!" sabi ng mga kapatid ni Lavinia.

No comments