Heart Evangelista, Magbibigay ng Reward na Php50,000 Kung Sino Ang Makakabalik ng Kanyang Nawawalang Aso!




Si Heart Evangelista ay isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz na mahilig sa pag-aalaga ng mga aso. Mapapansin na madalas niya ring i-post sa kanyang mga social media accounts ang kanyang larawan kasama ang mga alagang aso. Nito lamang Nobyembre 3 ay ipinost ni Heart ang larawan ng kanyang aso na si Luka at sinabing nawawala ito.




Sa pamamagitan ng social media ay ipinakita niya ang istura ni Luka para sa mga taong posibleng makakita sa aso niya. Sa una niyang post ay sinabi niyang magbibigay siya ng pabuyang Php10,000 para sa makakapagbalik ka Luka. Ngunit, wala pa ring nakakapagturo kung nasaan ang ao at napagpasyahan niyang taasan ang reward na nagkakahalagang Php50,000. Para sa makakakita kay Luka ay nagbigay rin si Heart ng numero na maaaring tawagan- 09188882140.




Narito naman ang ilang komento ng mga dog lovers din tulad ni Heart:

"Sana makita na your Luka. Masåkit, mahirap mawalan ng isang minamahal. Sana hindi mangyari ang ganyan mawala din ang aming MushyBoy, wala kami pang reward at higit sa lahat hindi namin kakayanin. Maisip ko lang baka mawala siya, nagsisikip na dïbdib ko. Naiiyåk na ako.




"I know kung ano ang pakiramdam ng naghahanap at nag aalala...sana matagpuan or makauwi na sya."

"I feel you ate .. sobra iyåk ko nang nawala aso ko... Though salamat may nka kuha sa kanto at inilagaan."

No comments