Derek Ramsay at Ellen Adarna, Ikinasal Na!




Kamakailan lamang nang kumalat ang balita ng proposal ng aktor na si Derek Ramsay sa aktres na si Ellen Adarna. Bagaman kapwa silang may anak na ay ipinakita pa rin nila at pinatunayan ang tunay nilang pagmamahalan. Nagka-isang dibdïb na si Derek Ramsay at Ellen Adarna ngayong Nobyembre 11 sa Rancho Bernardo sa Bataan.




Napanganga naman ang mga netizens sa angking ganda ni Ellen Adarna suot ang kanyang wedding gown. Habang ang anak naman nila ni John Lloyd Cruz na si Elias ay napaka-cute at naroon rin ang lalaking anak ni Derek.

Naroon rin sa kasal sina Chavit Singson, furniture designer Vito Selma, Vicki Belo, Hayden Kho, at anak nilang si Scarlet Snow, Beauty Gonzalez na kasama ang anak na si Olivia na isa sa mga flower girls.





Si Derek Ramsay ay ipinanganak noong 7 Disyembre 1976, sa Enfield, England, at siya ay lumaki sa Cainta, Rizal, Pilipinas. Ang kanyang Pinay na ina, si Remedios Paggao-Ramsay, ay ang pinuno ng housekeeping unit ng 11 Cadogan Gardens sa England, at ang kanyang British na ama, si Derek Arthur Ramsay Sr. ay isang inspektor para sa Metropolitan Police Service na nakatalaga sa Scotland Yard. Siya ay nag-aral sa Pilipinas sa Maria Montessori High School at isang boarding school sa England. Nag-aral siya para sa isang undergraduate degree sa Marketing sa New Hampshire at Boston.




Si Ellen Meriam Go Adarna (ipinanganak noong Abril 2, 1988) ay isang Filipina artista, modelo, at dating tanyag na tao sa internet. Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng iba't ibang hotel, condominium at Queensland, isang hanay ng mga motel sa Cebu, Manila at Davao. Nagmamay-ari din sila ng templo bilang parangal sa kanyang yumaong lola. Isang modelo ng Gravure, si Adarna ay lumabas sa iba't ibang magazine cover sa Pilipinas, tulad ng Candy, FHM, Esquire, UNO, Preview, Speed at Women's Health.

No comments