Beauty Queen, Lumuhod sa Harap ng Ina na Isang Garbage Collector Bilang Pasasalamat!




May kasibahang pinatunayan ang isang beauty queen mula sa bansang Thailand- "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa paroroonan." Hindi niya ikinahiya ang pagluhod sa harap ng kanyang ina bagkus ay ipinagmalaki niya pa ito sa publiko lalo na sa mga sakripisy0ng ginawa ng kanyang ina para sa kanya.




Pangangalakal ng basura ang hanapbuhay ng ina ni Khanitta "Mint" Phasaeng, 17-anyos. Nanalo si Khanitta sa beauty pageant na "Miss Uncensored News" na kung saan nakilala siya bilang mabuting anak dahil ipinagmalaki niya ang inang isang garbage collector.

Tumutulong si Khanitta sa kanyang ina pangangalakal nito ng basura dahil ito lamang ang pinagkukunan nila ng pangtustos sa pang araw-araw.





Hindi niya ikinahiyå ang ina bagkus ay lumuhod pa bilang pasasalamat sa lahat ng sakripisy0 ng ina habang suot ang korona at sash na nakuha niya sa pageant.

"I will still help my mother to collect garbage when I'm free even though she is unwilling to let me do it." saad ni Khanittha.

Ayon sa ulat, nakatnggap umano ng offer si Khanitta upang maging artista. Ngunit, sa kabila ng kanyang pagkapanålo ay nadiskubre na pineke umano nito ang educational background para makasali sa patimpalak.




Kaya naman, nagkaroon ng usap-usapan na babawiin umano ang korona at cash prize na natanggap ni Khanitta mula sa patimpalak.

Humingi ng tawad si Khanitta sa publiko at sinabing hindi umano siya ang nag fill-up ng form bagkus ang kanyang uncle at hindi na niya ito na-check.

No comments