Batang Nangangalakal, Nakatanggap ng Maagang Pasko Mula sa Mag-asawa!




Ilang buwan na lamang ay nalalapit na ang pasko at marami sa mga bata ang magiging masaya dahil makakatanggap muli sila ng regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang. Bagamat may mga batang masaya sa araw ng pasko ay may ilang mga bata naman ang malungkot dahil sa iba't ibang dahilan. Isa na rito ang kawalan ng pera sa araw ng pasko at ang iba sa kanila ay hindi nakakatanggap ng regalo at pawang pangkaraniwang araw lamang ang pasko sa kanila.




"Hindi ako lugi, kasi sa sobrang saya pa lang ng batang iyan…panalo na ako!" ani ng mag-asawang masayang ibinahagi ang maagang pamaskong ibinigay nila sa batang nangangalakal at namumulot na karton at bote.

Ang batang nakatanggap ng maagang pamasko ay si Jan Mark. Ayon sa kuwento ng mag-asawang Marta at Valentin Lim, isang araw ay nagpunta umano si Jan Mark sa kanilang tindahan kung saan humingi umano itong si Jan Mark na sirang gitara.





Dahil wala umanong sira-sirang gitara ang mag-asawa ay naisipan na lang nila na bigyan si Jan Mark ng bagong gitara upang matuto rin siyang tumugtog ng gitara.

"Sabi ko palit kami, bigyan ko siya gitara tapos gawan niya ako ng pang-display na gawa sa karton sa studio ko...Kung napasaya namin siya, doble 'yung kasiyahan namin. And it actually feels good, deep down in our souls," kuwento ni Marta.



No comments