Batang Katutubo, Nagdonate ng Kamote; Nabigyan ng Full-Scholarship Hanggang Kolehiyo!




Kamakailan lamang nang mag-viral sa social media ang ginawang community pantry sa isang baranggay sa Quezon City. Ang community pantry na ito ay may layuning tumulong at magbigay ng tulong sa iba. Marami ang naapektuhan sa pand3myang pumasok sa ating bansa at talaga namang hindi natin maikakaila na marami sa ating mga kababayan ang naghiråp ng husto.




Dahil sa community pantry na ginawa ng isa nating kababayan ay maraming lugar na rin sa buong Pilipinas ang gumawa nito.

Sa slogan na "Magbigay ng naaayon sa kakayahan at kumuha batay sa kinakailangan" ay isang mensahe kung saan ipinapahatig nito na kahit sino ay maaaring magbigay batay sa kakayahan at kahit sino ay maaari ring kumuha batay sa pangangailangan.




Isang batang katutubo naman ang nag-viral din sa social media matapos na magdonate ito ng inaning kamote sa isang community pantry sa kanilang lugar sa Occidental Mindoro.

Siya ay kinilalang si Cornelo Sinagmayon. Ayon sa organizer ng community pantry na si John Christopher Lara ay isang inspirasyon umano ang batang si Cornelo dahil sa ipinakita nitong pagmamalasakït sa iba.




Dahil dito, marami ang humanga sa bata at sa katunayan ay binigyan pa siya ng full-scholarship hanggang sa ito ay magkolehiyo.

Sa edad na 9 taong gulang ay may diwa na ng pagiging mapagbigay ang bata. Nag-donate siya ng halos kalating sako ng kamote bilanng tulong sa iyang nangangailan ngayong pand3mya.

Lahat ay nahihiråpan at marami ring kababayan na hikahos sa buhay ang mas lalong nahirapan. Kahit ganoon paman ay isa isabuhay parin natin ang mapagbigay at pagmamalasakit sa iba.

No comments