Babaeng Nakapasa sa Engineering Board Exam, Ipinagmalaking Nakatira sa Barung-barong!




Medals, diploma, certificate of recognition, trophies at kung anu-ano pang awards ay simbolo ng tagumpay. Katulad na lamang ng isang babae na nakapagtapos sa kolehiyo sa kursong Engineering at nakapasa pa sa board exam. Hindi naman matutumbasan ang saya naramdaman ng kanyang lola kaya naman, labis na ipinagmalaki siya nito at nagpaskil pa ng malaking tarpaulin na may larawan ng kanyang apo na si Crystalle Mae Manalo.




Hindi naman ikinahiya bagkus ay ipinagmalaki pa ni Crystalle na nakatira siya sa barung-barong. Kung mapapansin ay iba't ibang tarpaulin ang nakatagpi sa kanilang bahay at isa sa pinakamagandang tagpi ay ang tarpaulin na ipinagawa ng kanyang lola dahil isa itong achievement hindi lamang para kay Crystalle dahil tagumpay rin ito ng kanyang Lola na mahal na mahal siya. Sa kanyang post ay ibinahagi niya ang kanilang naging pag-uusap tungkol sa tarpaulin.





"Nanay: Okay lang kaya yan na sa barong barong natin ilagay yang tarpaulin mo? Makikita ng mga tao na tagpi-tagpi yung bahay natin?

Me: Nay, yan ang pinakamagandang tagpi na nailagay natin. Salamat, Nay...sa lahat."




Sa lahat ng ating achievements sa buhay ay ang pinaka-proud ay ang ating pamilya. Sil ang number fan at susuporta sa ating mga desisyon at tagumpay. Patunay ito na hindi makikita sa estado ng buhay ang tagumpay ng isang tao dahil nagsisimula ito sa pagiging masikap sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

2 comments:

  1. Congrats sau mam.. God bless sa inyo ng family mo..stay safe

    ReplyDelete
  2. Congratulations.your parents are so proud of u.

    ReplyDelete