68-Anyos na Ginang, Ipinagpatuloy Ang Pag-aaral at Nakatapos sa Kursong Tourism Management!




Hindi ibigsabihin na huminyo ay hindi na maaaring magpatuloy. Ang paghinto ay maaaring ipagpatuloy lalo na kung ito ang makakapagtupad sa ating pangarap. Isang halimbawa na rito ang 68-anyos na ginang na kinilalang si Leonita Sinucbit Cartojano na matagumpay na nakapagtapos sa kolehiyo sa kabilang ng kanyang edad.




Masayang nakapagtapos si Lola Leonita sa kursong Tourism Management na nakasama sa Dean's List sa Bulacan State University.

Huminto si Lola Leonita noon sa pag-aaral sa kadahilanang hiråp sila sa buhay ngunit natapos naman niya ang high school kaya naman ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at nakapagtapos ng kolehiyo nang lumuyas siya ng Maynila noong dalaga pa at naghanap ng trabaho. Mula pa sa Camarins Norte si Lola Leonita.





Namasukan siya sa isang restaurant bilang taga-linis at nalipat naman siya sa isang beër house nang madiskubre ang talento niya sa pag-awit. Lumakas ang raket ni Lola Leonita noong dekada '70 at '80.

Naging abala si Lola Leonita sa paghahanapbuhay noon para matulungan ang pamilya. Sa edad na 64-anyos ay napagdesisyunan niyng ipagpatuloy ang nahintong pag-aaral.

Pinatunayan ni Lola Leonita na wala sa edad ang pag-abot ng pangarap. Ang edukasyon ay maaari pa ring ipagpatuloy sa tamang panahon.

No comments